Trying To Make Her Smile & Feel Better

WARNING! WARNING! WARNING! (parang tunog lang sa computer games)

OMG! meron siyang period.

Kaya pala moody siya at naiirita siya saken na parang ayaw niya ako kausap. Ni hindi ko siya mapangiti dahil sa nararamdaman niya na sakit. Kahit anong joke ko ngiting aso lang siya.

I wanted to make her smile and feel better. Kaya nag-isip ako nang magandang gawin… Gusto ko siyang i-surprise kahit sobrang galing niya manghuli. Sana ngayon hindi niya mahulaan ang gagawin ko. hehehe

I visited amazon.co.jp. 3 days ago para tumingin ng pwedeng gift ko sa kanya. Knowing na mahilig siya sa chocolates, pumunta ako sa mga chocolates section ng website at pumili ako ng chocolate na sa tingin ko magugustuhan niya. Napili ko yung nasa middle second row.

 

choco

Excited na ako umorder. Pero bago ang lahat nag-check muna ako ng review kung ok yung seller. Eto natutunan ko pag bibili online, check the review first before making an order.

review

Sa tingin ko ok naman ang review ng napili ko kasi ang daming review at 5 star halos lahat ng ratings. Hindi ko nga lang maintindihan ang mga nakasulat hahaha So, I tried using google translator.

 

translate

Safe na siguro ako sa review na eto hehehe…

Sunod ay dapat i-fill up ang shipping address. Gusto ko eto i-ship sa office niya dahil baka hindi siya madatnan ng magdedeliver sa bahay nila pero hindi pala ganun kadali kasi kelangan ko i-fill up yung address niya sa halfwidth character/number. Ang haba ng address ng office nila hindi tinatanggap ng system kaya napilitan ako gumamit ng english to japanese google translator. Akala ko ok na pag ginawa ko yun pero hindi pa pala kasi mali ang pag translate ni google baka mapunta sa maling address. (makisama ka naman google please?) 😦

order

Halos 1 hour inabot ko para lang makuha ang tamang pag translate. Ang tanging natranslate ko lang ay Naka-ku at Hamamatsu-shi. Sa wakas napag-kasya ko ang address ng office nila. (Success!) hehe

Naka-schedule ang delivery ng Jan. 28 (Sunday).

payment

At dahil nga first time ko eto gagawin sa kanya. Anong bwenas at sarado pala ang Yamato Trasport na dapat magdedeliver sa office nila kapag Sunday. Hayy excited pa naman ako makita reaction niya.

Parang ako tuloy yung nasurprise hahaha pero ok lang alam ko naman na idedeliver yun next day.

MONDAY… (moment of truth) 🙂

Gumising ako ng maagap para batiin siya ng good morning. Gising na rin siya at mag-aasikaso na upang pumasok sa office. Sinubukan ko wag siya kausapin ng matagal dahil baka makahalata siya. Ang lakas pa naman ng instinct niya. Binaba ko na kagad ang phone at kagad ako nag-check ng status ng delivery. Sa wakas out for delivery na eto pero ang agap pa, 10am pa lang sa kanila at ang pasok niya ay 12noon. Naku naku baka wala madatnan ang magdedeliver sa office nila at baka madelay nanaman. Sinamahan ko eto ng kunting dasal na sana meron na kagad tao sa office nila. Makalipas ang ilang minuto ay meron ako nareceive na notification galing sa website…  “Delivered”.

 

delivered

Sino kaya nag-receive nung gift ko? Nasa bahay pa siya ng mga oras na iyon. Inisip ko na lang na baka yung manager nila ang nagreceive.

12:36PM

Meron message sa fb galing sa kanya. Nakangiti ako neto habang hinihintay mag-load message niya 🙂 alam na this hehe

27485227_10215756296088355_562252937_o.png

 

Pati ako kinikilig na sa mga oras na eto hahaha pero meron pa rin fail na nangyari lol

 

27535141_10215756296928376_614555985_o

 

27537699_2337326556297025_976925973_o

 

27534977_10215756407851149_905691234_o

Sa maling floor pala nai-deliver ng carrier yung gift ko lol. Kaya pala nagtataka ako kung bakit “Delivered” na ang status niya ng 10:28am haha Pero ok lang dahil ang importante ay natanggap niya eto.

Sana naging masaya siya sa munting surprise ko 🙂 at sana napangiti ko siya sa araw na eto.

To: Babe Mary “Get well soon! Iloveu” -Babe Ardee

 

 

 

May gusto lang sana ako i-kwento… Hindi naman eto magtatagal…

Isa siguro eto sa masasayang araw ng buhay ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-bonding ang kapatid ko na matagal ko nang hindi nakita. I don’t know kung ilang years na ba kami hindi nagkita… 6? 7? 8? or 10 years? Limot ko na rin…

Kung iisipin sobrang tagal na. Oo, na-miss ko siya kahit lagi kami nag-aaway nung mga bata pa kami. Hindi ko lang masabi ng personal kasi magiging masyadong cheesy kaya gusto ko na lang daanin sa pag invite sa kanya na lumabas ngaung araw para gumala.

Pumunta kami sa MOA para kumain sa Vikings pero sobrang dami ng pila kaya nag-decide muna kami maglibang sa amusement park sa tapat neto. Halos nalaro namin lahat ng games na andun. Nahirapan kami makakuha ng premyo pero sa wakas nanalo kami sa Duck Game. Binigyan siya ng maliit na stuffed toy ng crew bilang premyo at tuwang-tuwa siya dito. Nagpasya kami bumalik sa Vikings pero ang haba pa rin ng pila kaya nagkasundo kami na pumunta na lang ng Venice sa Mckinley. Dito enjoy na enjoy siya kunan ng picture ang lugar at maya-maya ang tanong nya about sa mga detalye nung lugar. Sa tingin ko nagustuhan niya eto. Dito na rin kami kumain ng tanghalian. Niyaya ko siya sa Kuroda Ramen. Umorder kami ng ramen at california maki. Ngaun ko lang nalaman na hindi pala siya marunong masyado gumamit ng chopstick. Tawanan kami ng tawanan habang pinipilit niya makuha yung maki hanggang sa hindi niya natiis at tinusok na lang eto gamit ang chopstick at agad na isinubo. hahaha Pati ramen niya ay ang tagal niyang naubos.

Pag katapos ng pakikipagtunggali sa chopstick at maubos ang pagkain ay bumili pa siya ng cotton candy at nagbyahe na kami papunta sa SM Marikina. Balak namin dito mag dinner at walang iba kundi sa Vikings, dumating kami ng 4pm pero mahaba pa rin ang waiting list. Nagpalista kami bilang number 26. Dahil mahaba pa ang aantayin na oras ay nagpasya kami na maglaro sa World of Fun. Dito halos nalaro din namin ang lahat ng games. Kada games meron siya nakukuhang ticket at mga toys. Samantalang ako hirap na hirap makakuha ng premyo. hehe Naubusan ako ng token at iniwan ko siya naglalaro nung isang game na mahirap laruin para kumuha pa ng token. Na-amazed ako pagbalik ko dahil meron ng mga tao na nakapaligid sa kanya. Nakuha pala niya ang 2nd prize sa major at lahat ay pinakakaguluhan siya kasi nga mahirap daw manalo dun sa nilaro niya. Kinunan din siya ng picture ng crew bilang documentation sa nakuha niyang VR Goggles na Hello Kitty. Sobrang saya niyang binibida saken ang napanalunan niya. Ako naman ay masayang masaya rin makita siya na natutuwa sa premyo niya.

5:30pm niyaya ko na siya para manuod ng movie sa cinema kasi matagal pa hihitayin namin sa pila ng Vikings. 8pm na ng matapos yung movie at parehas kami kinakabahan na baka nalampasan na kami sa bilang. Ayun, lampas na nga number 44 na. Akala ko magagalit siya pero nanatili siyang kalmado. Niyaya ko na lang siya uminom sa eastwood. Umorder kami isang bucket ng beer at pulutan. Nagkwentuhan kami hanggang maubos ang iniinom namin. pag katapos namin bayaran ay nagyaya naman siya na mag Ice cream. Napili niya yung tinuro ko na restaurant (Iceberg’s). Hindi siya maka-order sa dami ng dessert na pagpipilian. Sa tingin ko parang gusto niya orderin lahat hahaha. Masaya kaming kumain. Pagkatapos ay nagpasya na kaming umuwi.

Ang saya niyang pagmasdan. Kahit na nag-mature na siya at matagal kami hindi nagkita ay andun pa rin yung childish side niya na sobrang na-miss ko. Siya pa rin yung bunso ko at mahal na mahal ko siya. Sana wag siya magbabago…

Ayan, nai-kwento ko na. Maraming Salamat! Good night.

 

P.s. Sekreto lang natin eto ha 🙂 at tsaka magpapareserve na kami next time para ismut na lol

My First Homemade Sushi

IMG_E5637

Sushi!

Isa sa mga favorite food ko talaga ang Sushi… Or dahil namimiss ko lang si Girlfriend na nasa Japan. hehe

Favorite ko talaga eto dahil hindi lang sobrang sarap nya, ang gaganda pa ng design ng food presentation neto sa tuwing kakain ako sa mga buffet restaurant. Imagine isang section na puro Sushi, Sashimi at Tempura. Parang heaven lang db? hahaha

Ayun, dahil sobrang nag-crave ako. Nag-decide ako na why not gumawa ako ng sarili kong Sushi? But I don’t know kung papaano. Isa lang ang sagot sa aking problema, “Youtube University”. Matagal na ako student sa paaralang eto. lol Lahat ng problema or mga bagay na kelangan ko gawin at hindi ko matapos or masimulan dito ako nanunuod ng tutorials. Napaka-helpful nya.

Naghanap ako ng tutorial and boom! one click! Naka-tsamba ako ng isang video na magaling ang nagtuturo napakilanaw ng instructions. (eto yung mga gusto ko yung tipong nadidigest ko lahat ng sinasabi sa video) hehe

Armed with Sushi knowledge agad ako nagbihis para pumunta sa supermarket. Pero bago ang lahat I made a checklist ng mga kelangan bilhin:

  • Dashi
  • Sushi/Japanese Rice
  • White Rice Vinegar
  • Cucumber
  • Avocado
  • Wasabi
  • Yellow Fin Tuna
  • Salmon
  • Ginger
  • Mayonnaise
  • Sushi Soy Sauce
  • Sushi Bamboo Matt

Ayan lang mga nilista ko meron pa sana tatlo na kelangan bilhin na ibang sauce pero sa tingin ko hindi na kelangan dahil mas gusto ko yung basic na soy sauce and wasabi combination.

Pag dating sa Supermarket pumunta ako ng Fruit/Vegetable area. Kumuha ako ng cucumber, avocado (hilaw pa pala yung nakuha ko so hindi ko rin siya nagamit pag gawa ng sushi) 😦

IMG_5626

IMG_5627

Then I went to the fish area. Nakakalungkot lang dahil Salmon lang ang meron at walang Yellow Fin Tuna. Hayy…

IMG_5629

Next is Japanese Rice, wow! Ang mahal pala nya haha alam ko na mahal ang price nya pero sobrang mahal pala talaga kesa sa estimate ko. Anyway, walang magagawa ginusto ko ang Sushi lol. Next is Dashi, dito ako halos mabaliw dahil hindi ko alam ibig sabihin nun. I tried to google yung meaning pero hindi ko maintindihan. So nag-base na lang ako sa mga picture sa google at ikinompara sa mga item na nakahanay, Meron ako nakuha Hon Mirin. Sa google meron Mirin pero hindi Hon. Pikit mata ko etong isinama sa basket ko hoping na tama ako. hahaha

IMG_5707

Next is White Rice Vinegar, malapit na ako magwala neto halos limang beses ko na na-scan lahat ng vinegar na nasa harap ko ngunit walang Rice Vinegar, puro cane, coconut at apple cedar vinegar lang 😦 Suko na ako, kinuha ko na lang yung Apple Cedar Vinegar maghahanap na sana ako ng sunod na item ng meron ako madaanan na section korean items at alam nyo ba kung ano nasa gitna nung mga item? White Rice Vinegar!!! Nag-iisa na lang sya. Hindi ko alam kung dun ba talaga dapat sya nakalagay kasi wala ibang vinegar sa area na yun. Bwenas, nakatadhana talaga siguro saken ang Gf ko ay mali ang Sushi ngaun araw hahaha. Hayy, sobrang miss ko na si Gf… (focus! focus! Kelangan ko gawin yung Sushi)

IMG_5703

IMG_5704

IMG_5705

IMG_5702

Nabili ko lahat pwera lang yung ginger na color pink. Sa Japan pa lang ako nakakita nun pero dito sa Pinas hindi pa kaya hinayaan ko na lang. Pumunta ako sa cashier at binayaran ko lahat ng aking kinuha. Ngaun ko lang nalaman kung bakit ang mahal ng Sushi sa restaurant. Ang mahal pala talaga ng ingredients at condiments neto. Hayy, again ginusto ko ng Sushi db? hahaha

The moment has come, nakauwi na ako at ready na lang lahat ng kelangan ko sa pag-gawa ng pinaka-unang Sushi sa buong buhay ko. I’m hoping na maging maganda resulta neto. (medyo nagpapanic) hehe

Eto ang ibang pictures habang ginagawa ko sya:

Sorry hindi ako marunong maxado magslice ng isda 😦

IMG_5657

Japanese Rice mix with vinegar,sugar,mirin and salt equals very Sticky Japanese Rice 🙂

IMG_5668

Oh ha! Mukhang pro hehehe

Tadan!!!!!

IMG_5699

Hindi ko akalain kaya ko pala makagawa ng Sushi medyo mahirap sya sa simula pero habang tumatagal bumibilis na pag gawa ko. Actually, dapat dalawang box nagawa ko pero kumakain kasi ako habang ginagawa ko sya kaya nabawasan hehe. Sobrang enjoy sya gawin. Nakakalibang tsaka ang sarap talaga. Ang dami pa combination na pwede ilagay sa loob nung Sushi, kung baga sky is the limit. hehe Sa susunod susubukan ko nman ibang ingredients. Tsaka ibang technique like california maki. Parang magiging hobby ko na eto. Excited na rin ako pakita sa Gf ko yung gawa ko, gagawan ko sya pag punta ko Japan this year alam ko masu-surprise sya. hehehe

Sa mga gusto rin gumawa ng Sushi try nyo panuorin eto:

Salamat! Kain muna ako 🙂

Love at First Sight

2 years ago…

Humiwalay kami ng girlfriend ko ng tirahan sa mga kaibigan namin sa eastwood. Nag-hanap kami ng simpleng studio na meron sapat na space para samin dalawa at mga kagamitan namin. We got lucky at nakahanap kami ng naaayon sa gusto namin sa murang halaga. Masaya ang naging paglipat namin sa bagong bahay. Meron na kaming privacy at nakakapagkulitan na kami to the max. Kaso kalimitan gabi na kami nagkakasama sa bahay dahil magkasalungat ang oras ng aming pagpasok sa trabaho. Isa akong ahente ng condo sa eastwood, 9am-11pm ang oras na inilalaan ko sa trabaho at ang girlfriend ko naman ay online english teacher din sa eastwood at pumapasok ng 5pm-10pm at 4am-8am from Monday-Friday at off nya ng Saturday at Sunday, ako naman dahil nasa sales ay walang day off upang makabenta.

Ramdam ko ang lungkot ng girlfriend ko sa tuwing aalis ako ng bahay dahil maiiwan nanaman siya na mag-isa at walang kausap. Kaya nag-isip ako ng bagay na pwede nya mapaglibangan habang wala ako.

PUSA!

Oo, tama pusa! ang unang pumasok sa isip ko dahil naikwento nya saken na mahilig siya sa pet specially sa pusa at dahil sa pagkaka-alala ko ay humihiling siya neto dati pa sa akin.

Nag-decide kami pumunta sa Cartimar Pet Center sa Pasay (Click here para magkaroon ng idea sa lugar). Nagikot-ikot kami para makahanap ng pusa. Hindi namin alam kung anong klaseng breed ang i-aadopt namin basta dapat pusa. That time wala ako alam sa mga breed ng pusa, tanging siya lang ang may alam. Para saken basta cute pwede na hehe. Hanggang natapat kami sa isang store na meron apat na kuting na magkakatabing natutulog lumapit sa kanila ang girlfriend ko at binuhat niya ang isa at itinapat sa mukha niya. Hindi umiimik ang girlfriend ko habang nakatitig sa kuting. Pero kitang-kita ko ang pag ning-ning ng kanyang mga mata. Parang kagaya ng mga bata sa commercial ng Jollibee, everytime na ilalagay na sa harap nila ang chicken joy (may ganung moment). “Love at First Sight” na nga. Tinanong ako ng bantay “Sir kukunin nyo na ba?” Tumingin ulit ako sa gf ko habang yakap-yakap ang kuting sabay sabi ko sa bantay “Oo kuya, wala na ako magagawa niyakap na nya eh” Sabay tawanan kami pati at bantay ng store.

Pinangalanan namin siya na Princess dahil sobrang cute at ganda ng kulay nya (parang maharlika). Marami rin siya mga kinahihiligan o kayang gawin kagaya ng mga sumusunod:

Mag-suot ng sumbrero

Maglaro ng Hide and Seek

I-kiss ang Meowmy niya

Gawing playground ang laundry

Magparty-party (tugs-tugs-tugs)

Sumiksik sa mga paper bag na galing Robinsons Supermarket

Mag-play dead (diba dog lang kaya gumawa nun?)

Matulog,

Matulog…

At matulog ulit

Ewan ko ba kung bakit habang inilalagay ko mga pictures niya ay nang gigil ako hehe.

Siguro kelangan ko na tapusin ang pagsusulat at kelangan ko na makipaglaro kay Princess. Hanggang sa muli, Paalam!

P.s. (Naalala nyo pa ba ang Love at First Sight Moment nyo with your pet?)

Ahente at Guro

15740737_10211911645334489_1991063258901109334_n

Pag pasensyahan nyo na kung hindi malinaw yung larawan. Kuha iyan ng magkasintahan na nagkakilala sa facebook 3 years ago. Sino mag-aakala na pwede pala talaga mangyari na makatulong ang social media para magka-ibigan silang dalawa. Dati rati napapanood ko lang sa TV iyong mga ganoong kwento pero ngayon nagkatotoo sila.

 

Siya (yung lalake) ay isang Ahente ng condo sa Manila at Siya (yung babae) ay isang Guro sa Bicol. Nagsimula ang lahat ng mag-comment ang Ahente sa isang post ng Guro sa Facebook. Kahit hindi nila alam kung paano sila naging magkaibigan sa Facebook ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang naging kwentohan. Dumaan ang araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at patuloy pa rin sila sa masiglang pag-uusap. Hanggang dumating sa punto na gusto ng makipag-kita ng Ahente sa Guro. Nagbyahe siya papunta sa Bicol na walang pag-aalinlangan hawak lang ang pangako na sila ay magkikita.

 

Hindi mailarawan ang tuwang naramdaman ng Ahente sa unang araw na nakita nya ang Guro. Para siyang nasa ulap ng araw na iyon. Sila ay lumabas kasama ang ilang kaibigan para magkakilanlan ng husto. Natapos ang gabi na masaya ang lahat at puno ng tawanan. Higit sa lahat meron pusong  halos sumabog sa sobrang ligaya ng makasama nya ang guro.

 

Makalipas ang isang araw nag-pasya sila ulit na magkita. Sa pagkakataong eto hindi umayon ang panahon dahil sa sobrang lakas ng ulan ngunit hindi  nagpatalo sa sama ng panahon ang Ahente at nagpasya siya na sunduin ang Guro sa kabilang bayan, umarkila siya ng Tricycle sa kadahilanan na wala naman siyang sasakyan, napagtawanan tuloy siya ng ibang kaibigan dahil kanyang ideya pero ang importante ay makita niya ulit ang Guro bago bumalik ng Manila.

 

Basang-basa sa ulan ang Ahente ng makarating sa kinaroroonan ng Guro at nang makita siya nito ay grabeng pag-alala ang ibinigay sa Ahente. Pilit pinupunasan ang basang damit at paulit-ulit na tinatanong kung ok lang ba siya. Ang Ahente ay nakatitig lang sa Guro habang ang puso ay lalong naguumapaw sa saya. Nang medyo tumila na ang ulan ay nagpasya bumyahe sa kabilang bayan ang dalawa upang balikan ang mga kaibigan na naghihintay sa kanila sa bar.

 

Masayang silang naginuman sa bar nang magyaya ang Guro, niyaya niya ang Ahente na sumayaw. Kahit medyo nahihiya ay pumayag naman eto. Pumunta sila sa gitna nang dance floor kung saan napalibutan sila ng madaming tao na nagsasayawan at nagsimula sila sumayaw ayun sa tugtog ng musika. Habang tumatagal sa kanilang pagsasayaw ay hindi nila namalayan ang patuloy na paglalapit na ang kanilang mga katawan, kanilang mukha na naglalapit rin ng dahan-dahan. Hindi na nila napansin ang mga taong nagsasayaw sa paligid. Literal na bumagal ang oras sa mga sandaling eto, pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa lugar na yun. Kapwa naka-titig sa mata ng bawat isa at mga labi na patuloy na naglalapit na parang sabik sa unang halik.

 

Sa hindi kalayuan ay makikita ang mga kaibigan nila na naghihiyawan habang nakatingin sa kanila, ang isa ay sumigaw pa na “Halikan mo na!”. Lahat pala ng tao sa dance floor ay nakatitig na rin sa Ahente at Guro naghihintay sa paglapat ng kanilang mga labi. Ngunit ang “halik” na inaabang ng lahat ay hindi natuloy bagkus mas pinili nilang dalawa na manatili sa sandali na sila lang ang tao sa lugar at mabagal ang pagtakbo ng oras. Sa sandaling eto bumulong ang puso ng ahente at sinabing  “Nahanap mo na…” at sumagot ang Ahente “Siya na nga…”

 

Maligayang Pasko sayo Guro!

 

Nagmamahal,

Koibito

Needy… To be ot not be?


Hi! My name Koibito. This is the first time Im going to write a blog in the past 32 years of my existence. I was inspired by my girlfriend who is in Japan right now. She just recently created blogs of her own but for me I think she’s already a pro.
Well anyway, I was browsing feeds from facebook earlier then I happened to see a social experiment video of a guy asking girls if its cool to have a needy boyfriend. At first I asked myself what is meaning of the word “needy”? So googled it up and found the meaning in the urban dictionary and it goes like “requiring attention beyond what is normative” in other words bugging someone to get attention haha. (Im a Filipino we normally use the term “clingy”)
Now, going back to the video. All the girls that were interviewed were not a fan of having a needy boyfriend. Yeah, literaly all of them!! I don’t know if they cut scenes of those who like to have a needy boyfriends just to get more interaction with facebook users lol. Here are some of the comments from girls that had been interviewed: “no way, I dont want to have someone like that” to “I think being needy is cute but sickening most of the time” down to “Needy people are losers!”.
So, after I watch the entire video I felt someone whispered in my ear asking have you been needy lately? With that in mind I waited for my girlfriend to reach her apartment and called her. We started with our normal conversation as always then came the moment that I asked her if I had been too needy to her lately? She looked confused at first then ask me why? Then I answered her if is it bad? (indirectly saying: yeah, I think ive been too needy to her lately). She answered “I think its cute but annoying sometimes like when I get home then you will call me right away. I have not yet washed my face nor fixed my stuff plus im tired from work and have not yet rested.” After she said that, I realized that it might the reason why sometimes she doesn’t answer my call or reply on my messages. Now, I know that its ok for me to be needy to her sometimes as long as she’s not busy or tired haha (I think its a win)
But in all honesty, I dont mind if she will get too needy to me either. I would love her to be like that because she’s so damn cute when she’s in needy mode. I sometimes act like I dont like it but inside Im touched haha
I know some couple who always quarrel because of this. As much as possible I dont want that to happen between me and my girl. Maybe the lesson here is to communicate with your partner. Know what she likes and what she hates. Sometimes people need space to breath. And we, as their other half must respect that…
Cheers
-Koibito28

Photo Credit: https://goo.gl/images/FJquWi